Maligayang buwan ng wikang pambansa!

bun ng wika filipino wika

Maligayang buwan ng wikang pambansa! 


Ang buwan ng Agosto ang kinikilalang panahon upang tanawin o bigyang pansin ang ating Pambansang wika. Sa dami ng pinagdaraanan ng ating bansa, nawa’y hindi natin makalimutan ang karapatdapat na pagbibigay pugay sa sa ating wika at kasaysayan. 

Sa dami ng taon na lumipas at mga pag-aaral tungkol sa wika, alam mo ba na higit sa isang daan ang wika ng ating bansa? Tama! Hindi lamang ang Filipino ang natatanging wika, kasali rin dito ang Cebuano, Ilonggo, at marami pang iba. 

At alam namin na ang buwan ang wika ang isa sa inaabangan ng mga guro, estudyante, at kahit mga magulang dahil ito ang panahon kung kailan maraming kaganapan sa eskwela katulad na lang ng Best in Costume, Flag-making activities, at marami pang iba. 

Subalit sa ating kalagayan ngayon na hatid ng pandemya, wala tayong ibang magagawa kung hindi manatili sa ating mga tahanan. Kaya’t nandito kami upang bigyan kayo ng mga masasayang ideya upang kahit sa loob ng tahanan ay mabigyan ng pansin at ipagdiwang ang ating Wika! 

Pagbasang Pinoy

Isa sa pinakamagandang paraan upang ipagdiwang ang ating Wika ay ang pagpapakilala sa mga kabataan ng mga literaturang Pilipino. Maraming mga libreng aklat para sa bata na matatagpuan online

Halimbawa na lamang ng mga tanyag na tagapaglathala ay ang Adarna House, OMF Literature, Lampara Books. Naghahap ka ba ng mga maaaring i-download? Marami dito!

Magandang panahon din itong Buwan ng Wika para ituro sa mga bata ang Makabagong Alpabeto ng Wikang Filipino. Inilarawan sa video ni Joan Miro Philippines ang isa sa mabisang paraan ng pagturo gamit ang Alpabetong Filipino Ring Flashcards.

Alpabetong Filipino Games

Isa sa tanyag na mga makabagong laro ay ang Pinoy Henyo kung saan may dalawang mga kalahok at isa sa kanila ang magbibigay ng clue at ang isa naman ang huhula. 

Ang paggamit ng Ring Flashcards na ito ay maaaring makatulong sa kanilang pagtuklas sa Alpabetong Filipino at pagtanaw sa kulturang Filipino dahil ang mga salitang pinili at mga litratong ginuhit ay may ugnay sa ating kultura.

 

Flag-Making with Joan Miro Finger Paint Kit

Para sa mga batang mahilig sa sining, isang masayang ideya ang gumawa ng watawat ng Pilipinas gamit ang pintura, krayola, mga ginupit na papel, o kung anuman. Ito’y isang paraan upang turuan silang maging malikhain at ipakilala sa kanila ang kahalagahan ng watawat ng ating bansa. 


Maraming mga bagay ang maaaring gawin ng buong pamilya sa loob ng tahanan upang mapanatili ang saya ng pagtuto at higit pa roon ay upang sa murang edad ay matamnan ang mga kabataan ng pag-ibig at respeto sa ating bansa at ating sariling wika!




Older Post